Gising Pa Ako
Alas tres na ng madaling araw. Kapapalit ko lang ng diaper ni baby dahil tumae siya. As usual, nagising siya at nakita ko na naman ang kanyang sweet smile na sa akin ay nakakawalan ng pagod at antok.
Pinadodo ko siya at pina-burp. Mga ilang sandali lamang ay hiniga ko na siya at pinikpikan para mapabilis ang tulog.
Heto ako gising pa. Di pa makatulog dahil binabantayan ko pa siya. Medyo pakislot-kislot pa ang katawan, indikasyon na 'di pa malalim ang tulog niya.
Haaay...masarap mag-alaga ng baby pero talagang puyatan.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home